Arestado ang isang indibidwal na nagpanggap na miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) agent at mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang Oplan Sita ng Mabitac Municipal Police Station sa Barangay Sinagtala, Mabitac, Laguna nito lamang ika-12 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Colonel Ricardo I Dalmacia, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Hendrix”, 37 taong gulang at residente ng Barangay Halayhayin, Siniloan, Laguna.
Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang isang dark brown na wallet na naglalaman ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang 3.5 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang nagkakahalaga na aabot sa Php23,800..
Agad namang isinumite sa Laguna Provincial Forensic Unit ang nakumpiskang ebidensiya na hinihinilang shabu para sa laboratory examination, habang ang narekober na motorsiklo na isang (1) Honda Click, kulay pula na ginamit ng suspek ay dinala sa himpilan ng Mabitac MPS.
Nahaharap ang suspek sa kasong kasong paglabag sa Usurpation of Authority, Disobedience and Resistance and Violation of Republic Act 9165.
“Ang pagkakadakip sa naturang indibidwal ay bunga ng pinaigting na seguridad ng Laguna PNP para sa mas maayos, tahimik, at payapang Halalan 2025. Taos puso kaming nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa kanilang walang sawang pagsuporta sa buong hanay ng kapulisan,” pahayag ni PCol Dalmacia.
Panulat ni Patrolwoman Pricelle May T Urbano