Friday, November 29, 2024

Isang empleyado ng LGU Madalag, kulong matapos mahulihan ng ilegal na baril at bala

Aklan – Arestado ang isang empleyado ng LGU Madalag matapos mahulihan ng ilegal na baril at bala sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Alaminos, Madalag, Aklan nito lamang ika-14 ng Hunyo 2023.

Ikinasa ang Search Warrant Operation bandang alas-5:00 ng umaga sa pinagsanib na pwersa ng CIDG Aklan PFU, 1st Aklan PMFC, at Madalag MPS.

Kinilala ni Police Major Edgar Tonico Jr. ng CIDG Aklan ang nahulihan ng ilegal na baril at bala na si Ronny Ningal, 58, residente ng Brgy. Alaminos, Madalag ng nabanggit na probinsya at napag-alaman na dati itong miyembro ng CAFGU.

Sa bisa ng isinilbing Search Warrant, nakuha kay Ronny Ningal ang isang M16 rifle at magazine na naglalaman ng 29 live ammunition, isang empty magazine ng shotgun; 3 empty shell ng .38 revolver; isang empty shell ng .45 caliber pistol; isang empty shell ng 9mm caliber pistol; at isang color white leather sling bag.

Ayon kay PMaj Tonico Jr, inisyuhan si Ningal ng Search Warrant dahil sa reklamong ilegal na pagpapaputok umano nito ng kanyang baril na walang kaukulang papeles.

Nagkaroon pa ng kaunting tensyon sa pagsilbi ng Search Warrant nang patayin ni Ningal ang ilaw sa loob ng kanyang bahay nang malamang may mga papasok na awtoridad sa kanyang bahay.

Kalaunay kusa rin itong sumuko at nakuha sa kanya ang mga armas at mga bala.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Laws on Firearms and Ammunition Act ang suspek.

Sinisiguro naman ng Aklan PNP na magpapatuloy ito sa kampanya laban sa lahat ng uri ng ilegal na aktibidad at kriminalidad upang mapanatili ang maayos at ligtas ang komunidad.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles