Kalaboso ang isang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba sa Barangay Libertad, Ormoc City nito lamang ika-05 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Rechi B Selencio, Officer-In-Charge ng Ormoc City Drug Enforcement Unit, ang suspek na si alyas “Adel”, 46 anyos at residente ng Barangay Libertad, Ormoc City.
Bandang 9:23 ng gabi nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Ormoc City Drug Enforcement Unit, kasama ang Ormoc City Police Station 4 at Ormoc City Provincial Intelligence Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Narekober mula sa suspek ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 3.24 gramo na nagkakahalaga ng Php22,032, mga drug paraphernalia, isang 500-peso bill na ginamit bilang buy-bust money kasama ang isang isang 500-peso bill at limang pirasong 1,000-peso bill bilang bogus money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy na pinaiigting ng Pambansang Pulisya ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng krimen upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan, tungo sa mas ligtas at drug-free na lipunan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian