Monday, May 5, 2025

Isang Drug Courier nasakote ng Makati PNP

Makati City – Nasakote ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang isang lalaking drug courier kung saan nasabat sa kanya ang isa’t kalahating milyong halaga ng marijuana nito lamang Biyernes, Oktubre 6, 2023.

Kinilala ni PBGen Roderick Mariano, District Director ng SPD, ang suspek na si alyas “R”, 33-anyos.

Ayon kay PBGen Mariano, nahuli ang suspek bandang alas-8:20 ng umaga sa isang delivery express company na matatagpuan sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

Ito ay naganap makaraang makatanggap ng tip ang Substation 7 desk officer mula sa isang empleyado ng delivery express.

Iniulat umano nito sa kanilang himpilan na ginagamit ng suspek ang kanilang serbisyo bilang courier sa pagbibiyahe ng ilegal na droga, kabilang ang marijuana kush, marijuana oil, at iba pang drug paraphernalia.

Mabilis na inaksyunan ito ng Station Drug Enforcement Unit kasama ang mga tauhan ng Sub-Station 7 ng Makati CPS na naging dahilan sa pagkakaaresto ni alyas “R” sa tinukoy na lokasyon ng nasabing empleyado.

Sa operasyon, nakumpiska ng mga pulis ang hinihinalang droga, na may kabuuang tinatayang halaga na Php1,540,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni PBGen Mariano ang kooperasyon ng mga publiko tulad na lamang nang nag-ulat sa ilegal na gawain nang nasabing suspek. “Ang SPD ay nananatiling nakatuon sa pagtiyak sa kaligtasan ng komunidad, at aktibong magtatrabaho upang maalis ang mga aktibidad ng ilegal na droga sa Southern Metro”, pagtatapos niya.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles