Nailigtas ng Abulug PNP ang isang buwang gulang na sanggol sa kasagsagan ng baha bunsod ng bagyong Neneng noong ika-16 ng Oktubre 2022 sa Barangay San Julian, Abulug, Cagayan.
Ayon kay Police Captain Julius D Villamor, Hepe ng Abulug Police Station, habang nagpapatrolya ang kanilang tropa sa mababang lugar ng munisipalidad ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang lalaki na humihingi ng tulong dahil inabot na ng tubig baha ang kanilang bahay.
Agad namang tumugon ang mga kapulisan at agad inilikas ang mga pamilya kasama ang isang buwang gulang na sanggol at sila’y dinala sa evacuation center ng Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.
Laking pasasalamat naman ng pamilya sa maagap na pagtulong ng Abulug PNP sa kanilang sitwasyon na nagligtas sa kanilang mga buhay, lalo na ng buhay ng isang sanggol.
Isa lamang ito sa patunay na ang PNP ay walang pinipiling oras sa pagtulong at pagseserbisyo sa publiko at handang maglingkod sa lahat ng bagay. Tunay nga na ang PNP ay kakampi mo.
Source: Abulug Police Station
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag