Isabela – Aktibong nakilahok ang mga kapulisan ng Isabela sa Dugo para sa KaBRIGADA ko Nationwide Bloodletting Activity na may temang: “Dugtong-Buhay, Dugo’y ialay” sa SM City, Cauayan, Isabela noong ika-29 ng Abril 2023.
Ang nasabing kapulisan ay mula sa IPPO-PCADU sa pangunguna ni PSSg Judith Marie Galanza, PIO PNCO, 2 IPMFCS at 17 police stations sa lalawigan ng Isabela.
Kasama rin ng nasabing kapulisan ang kanilang mga KKDAT Members at miyembro ng National Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers, mga tauhan ng Tactical Operations Group 2, criminology students mula ISU-Cauayan at Isabela College of Arts and Technology kung saan nasa 66 bags (33,000 cc) ang nalikom ng dugo mula sa mga pumasang donors.
Ang nasabing aktibidad ay mahusay na inisyatiba ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa pangunguna ni Ms. Rose Angelie Driz, Station OIC katuwang ang Red Cross Isabela sa pangunguna naman ni Ms. Josie Stephany A. Cabrera, Chapter Administrator.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng kahalagahan ang pagdodonate ng dugo na makakatulong sa pagligtas ng buhay ng mga taong lubos na nangangailangan nito.
Source: Isabela PPO, PIO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos