Bilang bahagi ng kahandaan sa Bagyong “Julian” ay nagsagawa ng accounting and inspection of Provincial Search, Rescue and Retrieval (PSSR) ang mga tauhan ng Isabela Police Provincial Office sa Barangay Baligatan, City of Ilagan, Isabela nito lamang ika-28 ng Setyembre 2024.
Sa pamamagitan ng maayos na pagsusuri at paghahanda, natitiyak na ang mga kapulisan ay handang tumugon sa mga pangangailangan ng komunidad, lalo na sa mga oras ng kalamidad tulad ng bagyong Julian.
Patunay ang dedikasyon ng Isabela PPO na magbigay ng agarang tugon sa oras ng sakuna. Ang aktibong partisipasyon sa mga ganitong gawain ay nagpapakita ng tiwala sa publiko sa kanilang kakayahan at dedikasyon sa serbisyo para mas maayos, ligtas at mapayapang pamayanan.
Source: Isabela PNP
Panulat ni Pat Wendy G Rumbaoa