Nakiisa ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa selebrasyon ng 31st PNP Ethics Day na may temang: “Serbisyong May Integridad at Pananagutan, Tungo sa Ligtas at Mapayapang Pilipinas” na ginanap sa Camp Rosauro D Toda Jr, Barangay Baligatan, Ilagan, Isabela nito lamang ika-6 ng Enero 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Lee Allen Bauding, Provincial Director, ang aktibidad kaalinsabay ng Monday Flag Raising and Awarding Ceremony.
Gaya ng nakagawiang aktibidad, tampok ang pagbibigay pagkilala sa mga personnel mula sa iba’t ibang himpilan sa buong lalawigan para sa kanilang natatanging accomplishments.
Ayon kay PCpt Scarlett Topinio, tagapagsalita ng Isabela PPO, tiniyak nito na ang buong pwersa ng kapulisan ng Isabela ay tapat sa kanilang mandato at laging alerto sa pagbabantay seguridad sa nasasakupan nito.
Hinimok din ang publiko na makiisa sa kanilang mga adhikain at mangyaring ipagbigay alam sa kanilang himpilan kung mayroong mga insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang lugar upang agad na maaksyunan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Ang PNP Ethics Day ay nagsisilbing paalala sa kapulisan ng mga katangiang kanilang dapat taglayin na gagabay sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin dahil dito sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis ligtas ka!.
Source: PNP Isabela