Isa pang suspek sa Alcedo hazing case, sumuko sa CIDG; 7 indibidwal, nasa kustodiya ng pulisya

0
143

Sumuko ang isa pang suspek na miyembro rin umano ng sinuspende na fraternity sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG NCR), ito ay kaugnay sa pagkasawi ng isang 19-year-old maritime student na si Mark Kenneth Alcedo na biktima ng hazing.

Ayon kay Police Colonel John Guiagui, CIDG NCR, ang sumukong suspek ay kinilalang si alyas “Dar”, 26-year-old, at isang maritime school alumnus na miyembro rin umano ng grupong Tau Gamma Phi.

Matapos ang naturang pagsuko, tinatayang nasa pitong indibidwal na ang kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. Lahat sila ay pawang mga miyembro ng Tau Gamma Phi at nasasangkot sa nasabing insidente.

“He chose to surrender here because he thought it was safer for him to reach out to the CIDG NCR,” paliwanag pa ng legal counsel ni Sabilona na si Atty Jayve Grospe kaugnay sa pagsuko ng una sa Camp Crame.

“I myself convinced him to surrender because, first of all, it shows respect for our justice system and the rule of law. Secondly, it is our response to Interior Secretary Jonvic Remulla’s call to surrender,” dagdag pa ni Atty Grospe.

Leave a Reply