Inilunsad ng Regional Finance Unit 2 ang “Ipon Challenge” sa mga mag-aaral na kindergarten sa Tuguegarao Northeast Central Integrated School (TNECIS) sa Caggay, Tuguegarao City, Cagayan noong Marso 19, 2024.
Pinangunahan ni Police Colonel Wilson L Doromal, Chief RFU 2, ang nasabing aktibidad sa tulong nina Ms. Emely P Tango, Principal IV, Ms Marjorie T Tamaray, Ms Joan M Pingad, Ms Reynalyn Castillo at Ms Sally S Unida, mga guro ng nasabing paaralan.

Inilunsad sa 100 na mag-aaral ang programa kung saan bawat kalahok ay binigyan ng alkansya na gawa sa bote ng plastic at hinikayat silang idecorate ito at 10 sa kanila ang nabigyan ng premyo na may pinakamahusay na disenyo.
Layunin ng programang ito na pagyamanin ang kanilang kaalaman pagdating sa pinansyal sa kanilang murang edad kung kaya hinikayat ang mga bata na punuin ang kanilang alkansya ng mga barya at sanaying magtipid at mag-ipon.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng pagdiriwang ng 2024 National Women’s Month na may temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”
Ipinaabot naman ni PCol Doromal ang kanyang pasasalamat sa punong guro ng TNECIS. Binigyang-diin din niya sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng Ipon Challenge na hindi lamang sa pagtitipid ng pera kundi pati na rin ang pag-angat na dala ng kakayahan na makabili ng mga bagay na kanilang ninanais para sa kanilang sarili.

Dagdag pa rito ang kahalagahan ng paggamit muli ng bote ng plastik para sa kanilang alkansya at mapanatili ang kalinisan para sa Bagong Pilipinas.
Source: PRO2