Calamba City, Laguna – Ipinagdiriwang ng mga tauhan ng Police Regional Office 4A ang International Day of Families na may temang, “Urbanisasyon at Pamilyang Pilipino: Magkaagapay sa Pagpapatibay at Pagpapaunlad ng Bansa” sa Bigkis-Lahi Event Center, Camp BGen Vicente Lim, Calamba City, Laguna nito lamang Biyernes, Setyembre 30, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., Regional Director ng PRO 4A, ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Meliton Salvadora Jr, Chief ng Regional Community Affairs and Development Division.
Ito ay dinaluhan ng 30 pares ng mag-asawang pulis kung saan ay tinalakay ang Responsible Parenting, Family Values, Pagpapayo sa Kasal at Pamamahala ng Stress at Galit.
Layunin nitong makatulong sa pagbuo ng isang matatag, maayos at masayang pamilya at panatilihin ang halaga ng pagmamahal, paggalang, pananampalataya, pag-asa, pagmamalasakit, kultura, etika, tradisyon, at lahat ng bagay na may kinalaman sa pamilya.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin