Wack-wack, Mandaluyong City — Nagsagawa ng information drive campaign ang Wack-wack Sub-Station sa mga Force Multipliers ng Barangay Wack-wack, Mandaluyong City nito lamang Lunes, Agosto 15, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jean C Aguada kasama si PCpl Karen Mae Kabil sa ilalim ng pamununo ni Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Chief of Police ng Mandaluyong CPS.
Tinalakay dito ang mga pamamaraan kung paano mapapababa ang kriminalidad sa lungsod para sa kaligtasan ng kanilang mga residente.
Layunin nitong magkaroon ng magandang ugnayan ang PNP at Force Multipliers sa barangay upang magbahagi ng kaalaman sa batas, programa at adhikain ng gobyerno para sa ikabubuti ng mamamayan sa komunidad.
Source: Wack-wack Substation
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos