Nagsagawa ng Information Awareness Lecture ang mga tauhan ng Paniqui Municipal Police Station para sa mga miyembro ng Barangay Officials at BPATs ng Barangay San Juan De Milla, Paniqui, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-19 ng Marso 2025.
Pinangunahan ni PEMS Marvin Marcos, MESPO sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Sean C Logronio, Chief of Police ng Paniqui Municipal Police Station.

Nagbibigay ng mahahalagang impormasyon ang kapulisan patungkol sa Article XXII ng Batas Pambansa Blg. 881 o ang tinatawag na “Omnibus Election Code of the Philippines” at mga hakbang upang maiwasan ang krimen at matigil ang ilegal na droga.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pangangampanya kontra kriminalidad at ilegal na droga upang makamit ang minimithing maayos at maunlad na komunidad.
Panulat ni Pat Digna Jane Tenorio Malubay