Pinangunahan ng PNP Officers’ Ladies Club Foundation Incorporated ang Inauguration and Blessing of PNP Child Development Center nito lamang Abril 30, 2025 sa PNP CDC, Camp Crame, Quezon City.
Ito ay naging posible sa pangunguna ni Mrs. Mary Rose P Marbil, National Adviser ng PNP OLCFI, katuwang si Mrs. Leilani Alba at iba pang kasapi ng foundation na dinaluhan ng mga mag-aaral sa daycare center.
Dumalo din sa nasabing aktibidad si Police General Rommel Francisco D Marbil, Chief, PNP; Police Major General Roderick Augustus Alba, Director ng Police Community Relations; Police Brigadier General Marvin Joe C Saro, Director ng Police Community Affairs and Development Group; at iba pang mga opisyal ng PNP.
Naging Guest of Honor and Speaker sa naturang programa si Mayor Ma. Josefina “Joy” Belmonte ng Quezon City, na nagbigay ng makabuluhang mensahe at nanguna sa pag-ribbon cutting at unveiling of marker kasama si PGen Marbil.

Ang aktibidad ay hudyat ng pagbubukas muli sa naturang paaralan upang linangin ang talino, talento at kahusayan ng mga kabataang Pilipino.
Patuloy ang PNP sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, upang mabigyan ng dekalidad na edukasyon habang sinisiguro ang kapakanan ng bawat kabataan at mailayo sa anumang uri ng panlilinlang na hadlang sa pagkamit ng magandang kinabukasan.
Panulat ni PMSg GN Ortiz
