Balbalan, Kalinga – Narekober ng mga otoridad ang mga improvised explosive device sa kagubatan ng Sitio, Alwiyao, Brgy. Pantikian, Balbalan, Kalinga, umaga ng ika-5 ng Hulyo, taong kasalukuyan.
Ayon kay Police Colonel Peter Tagtag, Jr., Provincial Director, Kalinga Police Provincial Office, narekober ang mga IED dahil sa isang informant na nagbigay ng impormasyon na mayroong nakatagong mga IED sa nasabing kagubatan at pinaniniwalaang mga armas ng Komiteng Larangang Guerilla (KLG)-Baggas.
Ayon pa kay PCol Tagtag Jr., narekober ang mga IED sa pinagsanib na operasyon ng Kalinga Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit, RID Cor, Provincial Explosive Ordinance Disposal Canine Unit Kalinga, Balbalan MPS, 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, 141 Special Action Company, 14 Special Action Battalion, PNP Special Action Force, CIDG at AFP intelligence counter parts.
Ang mga narekober ay dalawang improvised APERS/anti-tank mine, isang improvised Claymore mine (APERS) at tatlong IED-components #18 firing wires na nakarolyo (70m x 60m x at 5m) at tatlong piraso na 1.5 voltz eveready batteries.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay bunga ng maigting na pagpapatupad ng NTF-ELCAC sa layunin nitong mapasuko ang mga umanib sa mga teroristang grupo na walang ginagamit na dahas at sa tulong din ng mga dating miyembro ng CTG.
Source: Kalinga PPO
###