Narekober ng 705th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 7 ang Improvised Explosive Device (IED) at mga components sa Sitio Avocado, Barangay Talalak, Santa Catalina, Negros Oriental, noong ika-26 ng Agosto 2024.
Ayon kay Police Colonel Dyan Vicente Agustin, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 7, bandang 3:00 ng hapon ng magsagawa ng combat operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkarekober ng isang main charge, peanut bulb, isang energizer battery 9 volts at isang toggle switch.
Samantala, nasa kustodiya na ng 705th Maneuver Company, RMFB 7 ang mga narekober na IED components para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng Technical Support Company RMFB7, RIU 7, Santa Catalina MPS, 4Th SOU Maritime Group at Bravo Coy 11IB PA.
Ang RMFB 7 ay patuloy ang pagpapaigting sa kanilang kampanya laban sa insurhensiya at kriminalidad na naglalayong mahikayat na sumuko ang mga miyembro ng komunistang teroristang grupo sa pamahalaan at mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanilang mahal sa buhay.
Source: RMFB 7 SR