Narekober ng Iligan City Police Station 6 katuwang ang City Mobile Force Company (CMFC), Task Force Kinaiyahan, at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Iligan ang mga illegal mining materials sa Purok Paiton, Barangay Mainit, Iligan City nito lamang Nobyembre 22, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 10, nadiskubre at narekober ang mga abandonadong mining material at equipment sa nasabing lugar.
Sa tala ay narekober ang anim na rod mills, limang steel rods, isang capacitator start motor, at limang kilo polyvinyl chloride resin na may tinatayang halaga na Php117,000.
Pinasalamatan at pinuri ni PBGen De Guzman ang mga operating personnel para sa matagumpay na pagrekober ng mga nasabing ilegal na kagamitang pangmina. “PRO 10 remains steadfast in its dedication to protecting the environment and ensuring that illegal activities, such as illegal mining operations, are stopped. This operation highlights our unwavering commitment to preserving the natural resources of Northern Mindanao and safeguarding the well-being of our communities.”