Iligan City – Nakiisa ang Iligan City Police Office sa isinagawang Brigada Eskwela na may temang “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral” sa Bernardo E Ramos Memorial School, Barangay Tominobo, Iligan City nitong Lunes, Agosto 8, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Zandrex Panolong, Deputy Chief, City Community Affairs and Development Unit sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Dominador Estrada, City Director ng Iligan City Police Office, PNP-ICUF, ICPO Advocacy Support Groups, Teacher Association at mga mag-aaral.
Nilinis ng grupo ang bawat classroom bilang paghahanda sa darating na face-to-face class upang masiguro ang kalinisan at kaayusan ng nasabing paaralan.
Bukod dito, nagkaroon din ng pamimigay ng 50 school supplies at naghatid naman ng kaalaman ang mobile library na ang mga guro ay mismong mga lisensyadong guro na pulis para sa incoming Grade 1 pupils.
Ang Iligan PNP ay naglalayong magbigay ng serbisyo sa mamamayan at mapanatili ang mas matatag na ugnayan sa komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10