Kinilala ang suspek na si alyas “Walfa”, 31 anyos, may asawa, at residente ng Barangay Salama, Banisilan, Cotabato.
Dakong 5:35 ng umaga nang isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Banisilan Municipal Police Station, Cotabato Police Provincial Office Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit (RIU) 12, RID, PIU CPPO, 1203rd Maneuver Company ng RMFB 12, 2nd Company ng CPMFC, at Bravo Company ng 34th Infantry Battalion, 11th Infantry Division ang operasyon sa ilalim ng bisa ng Search Warrant.
Sa isinagawang paghahalughog, nasamsam mula sa loob ng bahay ng suspek ang isang unit ng homemade caliber 5.56 pistol at isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang maigting na kampanya ng PNP laban sa ilegal na armas at ipinagbabawal na gamot. Sa tulong ng komunidad, mas napapadali ang paglalantad sa mga krimen at pagpigil sa mga ito. Hinihikayat ng PRO 12 ang publiko na ipagbigay-alam agad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa rehiyon.