Nakumpiska mula sa isang indibidwal ang ilegal na droga sa ikinasang Search Warrant Operation ng mga awtoridad sa Barangay Villarica, Midsayap, Cotabato nito lamang Mayo 21, 2024.
Ayon kay Police Colonel Lieutenant Realan E Mamon, Acting Chief of Police ng Midsayap Municipal Police Station, ang naaresto ay nakilalang si alyas “Erwin” at residente ng Purok 4, Barangay Villarica, Midsayap, Cotabato.
Ayon pa kay PLtCol Mamon, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng Midsayap MPS kasama ang CPPO PDEU, 1203rd RMFB 12, 2nd CPMFC, RSOG 12, RID 12 at Midsayap MDEU.
Narekober sa loob ng pamamahay ng suspek ang isang malaking heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu at iba pang non-drug items.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Seksyon 11 at 12 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya sa ilalim ng Bagong Pilipinas ay naghahangad ng kaligtasan ng bawat mamamayan sa kanilang nasasakupan kaya naman walang humpay ang kanilang pagsasagawa ng mga operasyon hinggil sa ilegal na baril at droga na ugat ng kriminalidad para sa mas maayos at ligtas na komunidad.
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez