Tuesday, January 7, 2025

Ilegal na baril at sumpak, nakumpiska ng Caloocan PNP; lalaki arestado

Caloocan City — Isang lalaki ang naaresto ng Caloocan City Police Station dahil sa pagdadala ng mga ilegal na armas nito lamang Miyerkules, Mayo 17, 2023.

Kinilala ang suspek na si Dennis Tolentino, 36, binata, walang trabaho, at kasalukuyang naninirahan sa Bagong Silang, Brgy. 176, Caloocan City.

Ayon kay Police Colonel Ruben Lacuesta, Chief of Police ng Caloocan CPS, nadakip ang suspek bandang 6:00 ng umaga, sa kahabaan ng Phase 7C, Package 7, Block 59, Lot 20, Bagong Silang, Brgy. 176 ng naturang lungsod ng mga tauhan ng Sub-Station 13 ng istasyon sa pamamagitan ng Search Warrant.

Nakumpiska kay Dennis ang isang (1) unit ng .38 revolver na walang serial number at kargado ng tatlong (3) live ammunitions, isang (1) improvised na baril o Sumpak, at isang (1) piraso ng 12 Guage na live ammunition.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Pinuri ni PMGen Edgar Alan Okubo, Regional Director ng NCRPO, ang walang humpay na pagsisikap ng Caloocan City Police Station, na mahuli ang isang suspek na napag-alamang may hawak ng mga ilegal na baril. Aniya, “Ang pag-arestong ito ay nagsisilbing patunay ng kanilang hindi natitinag na dedikasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.”

Source: NPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles