Narekober ang mga Ilegal na armas at shabu mula sa isang suspek sa isinagawang implementasyon ng search warrant ng mga awtoridad nito lamang ika-17 ng Abril, 2025 sa Paradise Subdivision Barangay Tres De Mayo, Digos City, Davao del Sur.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Florante S Retes, Chief of Police ng Digos City Police Station, ang suspek na si alyas “Marlon”, 46 anyos, isang negosyante.
Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre 45 na baril kasabay ang magasin na may anim na bala, tatlong airsoft M4 replica kasabay ang apat na magasin, timbangan, tinatayang Php21,352 gramo na halaga ng hinihinalang shabu at at iba’t ibang ID.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Ang tuloy-tuloy na mga operasyon ng Police Regional Office 11 ay patunay ng kanilang walang-sawang pagsisikap na isulong ang napapanatiling kaayusan na siyang susi sa mas maunlad na komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino