Pormal ng isinara ang ilang bahagi ng Mindanao Avenue kaninang hating gabi ng Enero 11, 2025 upang bigyang-daan ang pagsisimula ng konstruksyon ng Tandang Sora Station ng Metro Manila Subway Project (MMSP) na tatagal ng tatlong taon.
Ayon sa MMDA, bukod sa outermost lane sa Mindannao Avenue ay may mga alternatibong ruta na pwedeng gamitin ng mga motorista.
Ang alternatibong ruta na ito ay madadaanan sa magkabilang gilid ng Mindanao Avenue kung saan ay nagkaroon din ng expansion dito na magsisilbing detour habang sarado ang gitna ng kalsada.
Samantala, nalagyan na ng barrier ang gitnang bahagi ng Mindanao Avenue para wala nang makapasok na motorista.
Pinapaalalahanan naman ng ating pambansang pulisya ang publiko na maging mapanuri at maging mas alerto pa sa pagdaan sa mga kalsada para sa kaligtasan ng ating mamamayan lalo na sa mga motorista. Sumunod po tayo sa mga alituntunin na ipinapalabas ng ating pamahalaan at mag-doble ingat po sa pagmamaneho.
Source: PNN: https://www.facebook.com/share/v/154dXUkbys/?mibextid=wwXIfr