Nagwagi ang Ilagan City Police Station bilang Best Community and Service-Oriented Policing (CSOP) Implementer Nationwide sa katatapos lamang na selebrasyon ng ika-28th National Crime Prevention Week na naganap sa NAPOLCOM Central Office, Quezon City nitong Miyerkules, Setyembre 7, 2022.
Tinanggap ni Police Lieutenant Colonel Benjamin D Balais, Chief of Police ng Ilagan CPS ang prestisyosong parangal sa programa na pinangunahan ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Mula sa 17 na Police Regional Offices sa buong bansa, napili ng NAPOLCOM ang Ilagan CPS at iginawad sa kanila ang 1st Place sa Main Category Award bilang pagkilala sa kanilang Best Practices sa pagpapatupad ng CSOP sa kanilang nasasakupan.
Ipinaabot ni PLtCol Balais ang kanyang pasasalamat sa City Government of Ilagan, stakeholders, at komunidad sa patuloy nilang pakikipagtulungan, pakikiisa, at pagsuporta sa mga proyektong inilulunsad ng PNP.
Pinasalamatan din niya ang lahat ng pulis Ilagan sa kanilang patuloy na pagpupursige at pagsisikap sa pagbibigay ng dekalidad at may pusong serbisyo sa lahat ng Ilageño.
Samantala, pinaabot naman ni Police Colonel Julio R Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ang kanyang pagbati sa buong pwersa ng Ilagan CPS sa karangalang kanilang natanggap at sa pagbibigay ng magandang halimbawa at inspirasyon sa lahat ng Valley Cops.
Source: Ilagan City Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes