Isabela – Galak at saya ang dulot ng Ilagan PNP mula sa Ilagan City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Lord Wilson Adorio sa 260 benepisyaryo ng isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Paliueg, Ilagan City noong ika-14 ng Abril 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Captain Louie Jay Felipe katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division na pinangunahan ni Police Major Sharon Malillin, Provincial Community Affairs and Development Unit na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Michael Aydoc, 201st MC, RMFB 2, PSFTP Class 2022-04 MAHMDALIB, Regional President ng Department of Science and Technology, PSTO Isabela, Department of Trade and Industry, Federation of Citizen’s Crime Watch Special Task Force at KKDAT Adviser and members ng Ilagan.
Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga manok para sa Project C.H.I.C.K.E.N., tilapia fingerlings, mga aklat para mga batang mag-aaral, walking sticks para sa benepisyaryong senior citizen.
Nagpamigay din ng reading glasses para sa mga malalabo na ang mata sa pagbasa, hand sanitizers at mga gamot. Nagsagawa din ng libreng gupit, medical check-up, Adopt a Family kung saan nabigyan ang mga benepisyaryo nito ng cash gift, Project H.E.A.L. at Feeding program.
Tinuruan din ang mga dumalong benepisyaryo kung paano gumawa ng dishwashing liquid at nagbigay din ng isang unit ang DOST Science and Technology Academic and Research -Based Openly- Generated Kiosks (Starbooks) na nagkakahalaga ng Php35,966.
Lubos ang galak at pasasalamat ng mga benepisyaryo sa mga natanggap nila dahil malaking bagay ito para sa kanilang pangkabuhayan.
Layunin ng aktibidad na ito na matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan sa ganitong paraan. Ito din ay sumusuporta sa EO 70 National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict para sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bayan.
Source: Ilagan CPS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos