Bogo City, Cebu – Naisakatuparan ang ikatlong “Gasa sa Puloy-anan Project” ng Bogo City Police Station na ginanap sa Brgy. Odlot, Bogo City, Cebu, nito lamang Huwebes, Hunyo 2, 2022.
Ang nasabing proyekto ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Florendo Fajardo, Chief of Police ng Bogo CPS, katuwang ang BFP, BJMP, Philippine Coast Guard, iba’t ibang organisasyon, mga pribadong indibidwal at ang LGU ng Bogo City.
Ayon kay ni Police Lieutenant Colonel Fajardo, layunin ng programa ang makatulong sa ating komunidad lalong lalo na sa mga pamilya na nangangailangan ng maayos at matibay na bahay na masisilungan upang sila ay ligtas at hindi mabasa at mainitan.
Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel Fajardo, siya ay nag papasalamat sa lahat ng tumulong upang maisagawa ang proyektong pabahay at pag suporta sa mga proyekto ng PNP para sa komunidad.
Lubos naman ang kaligayahan at pasasalamat ng mag-asawang sina Tatay David at Nanay Coreng Molejo sa mga tumulong upang mapatibay at maayos ang kanilang tahanan.
Patunay na ang PNP ay palaging nakahanda sa pagtulong at paglilingkod para sa komunidad at para sa bayan.
###
Panulat ni Carl Philip Galido