Cagayan – Iginawad ng PeƱablanca Police Station ang ikalawang libreng pabahay sa Brgy. Bugatay, PeƱablanca, Cagayan nito lamang Miyerkules, ika-15 ng Pebrero 2023.
Ayon kay Police Major Harold Ocfemia, Hepe ng PeƱablanca Police Station, naging benepisyaryo ng kanilang pabahay project ang pamilya ni Ginang Caridad Santiago na masayang tinanggap ang bagong bahay kasama ang handog na food packs, school supplies at iba pang kagamitan.
Sa naturang aktibidad ay pinuri ni Police Brigadier General Percival Rumbaoa, PRO 2 Regional Director, na kinatawan ni Police Colonel Marcial Mariano Magistrado IV, Acting Deputy Regional Director for Administration, ang buong hanay ng PeƱablanca PS at Cagayano Cops dahil sa pagsasagawa ng naturang proyekto na naglalayong makapagpaabot ng tulong sa mga indigent families na mabigyan sila ng maayos at disenteng tirahan ang mga Cagayano.
āāAng aktibidad na ito ay patunay na kayo ang aming prayoridad. Asahan niyo na ito ay aming ipagpapatuloy at gugulong pa sa lahat ng siyudad, munisipyo at barangay sa bawat sulok ng ating rehiyonā, dagdag ni PBGen Rumbaoa.
Samantala, binigyang puri din ni Mr. Washington M Taguinod, butihing alkalde ng PeƱablanca, Cagayan ang proyekto ng kapulisan sa pagbibigay ng libreng pabahay at patuloy na suporta sa lokal na pamahalaan sa pagsisiguro ng kaayusan at kapayapaan sa bayan ng PeƱablanca.
Naisakatuparan ang proyekto dahil sa pagtutulungan ng PeƱablanca Police Station, Cagayan Police Provincial Office, lokal na pamahalaan ng PeƱablanca, mga stakeholders at mga miyembro ng National Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Group, Force Multipliers at mga opisyales ng nabanggit na barangay.
Ang Libreng Pabahay Project ng PRO 2 ay pagpapakita ng malasakit ng mga kapulisan sa mga kababayan nating salat sa buhay, magpapatuloy ang mga ganitong proyekto upang mas marami pang pamilya ang mabigyan ng maayos na bubong na masisilungan.
Source: RPIO PRO 2
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag