Ipinagdiwang ng Regional Maritime Unit ang ika-5 taon ng Couple Empowerment Project na may temang “Maritime Pulis, Kumakalinga sa Pamilyang Mangingisda tungo sa Matagumpay, Matatag at Masaganang Pamumuhay” na ginanap sa City Mall, Calapan City, Oriental Mindoro nitong Marso 5, 2024.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Police Colonel Charlie T Vete, Regional Chief, HRMU4B at iba pang mga tauhan ng Regional Advisory Group katuwang din ang mga tauhan ng RPCADU 4B sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.

Dumalo rin sa nasabing programa si Police Captain Benito S Siddayao Jr., Chief Admin PCR ng RMU 4B. Dinaluhan ito ng apatnapu’t anim (46) na indibidwal na pawang mga mangingisda sa dalawamput tatlong (23) coastal barangay sa Calapan City.
Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa Human Immuno Deficiency Virus (HIV)/AIDS Awareness na ibinahagi ni Dr. Mencee E Alferez – Rural Health Physician, City Health Calapan City, Special Protection Against Rape and Exploitation (SPARE) na ibinahagi naman ni Police Executive Master Sergeant May Bautista-WCPD Calapan City Police Station.

Layunin ng programang ito na maging bahagi sa pagpapatatag ng samahan ng mga mag-asawa at paghahatid ng serbisyo publiko tungo sa payapa at masayang lipunan.
Source: Headquarters Regional Maritime Unit 4B
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña