Ipinagdiriwang ng Police Regional Office (PRO) 13 ang selebrasyon ng 123rd Police Service Anniversary sa pamamagitan ng gift-giving activity na ginanap sa PNP Multi-Purpose Center, Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City nito lamang Agosto 8, 2024.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Alan M Nazarro, Regional Director ng PRO13, na kinakatawan ni Police Colonel Michael F Labanan, Deputy Regional Director ang nasabing aktibidad na may temang: “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis Ligtas Ka!”, ang Gift-giving activity para sa Non-Uniformed Personnel at mahigit 50 pamilya ang nabiyayaan nito.

“Sa loob ng 123 taon, tumayo ang PNP bilang haligi ng kapayapaan, seguridad, at hustisya sa ating minamahal na bansa. Ipinagdiriwang ng kaganapang ito ang aming mga nakolektang tagumpay at mahahalagang milestone sa pagsasagawa ng aming sinumpaang tungkulin. Taimtim naming ginugunita ang okasyong ito, na sumasalamin sa aming malalim na pagpapahalaga at paggalang sa kakayahan nito,” ani RD Nazarro.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin