Cebu City – Bilang pagkilala sa higit isang daang taon na tapat at tunay na serbisyo, ipinagdiwang ng Police Regional Office 7 ang ika-122nd Police Service Anniversary sa Cebu Ocean Park, SM Seaside F Vestill St., Brgy. Mambaling Cebu City, nitong Martes, Setyembre 26, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Hepe ng Pambansang Pulisya, PGen Benjamin C Acorda Jr na kinatawan ni PLtGen Patrick Villacorte, Commander, APC-Visayas katuwang ang mga miyembro ng PRO 7 sa pamumuno ni PBGen Anthony Aberin, Regional Director.

Sa pambungad na mensahe ni PBGen Aberin, malugod nitong ipinaabot ang mainit na pagtanggap sa mga pinuno at kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan, Local Chief Executives, Advisory Groups, Stakeholders, NGOs at sa lahat ng mga nakiisa sa pagdiriwang sa makasaysayang okasyon ng serbisyong pulisya sa ilalim ng temang, “Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bansa”.

“This gathering serves as a moving reminder of the distinctive and essential role that we as members of played in the socio-economic development and advancement of our society. This special occasion presents us with the precious opportunity to come together, united in spirit, and to reflect upon our collective triumphs,” ani PBGen Aberin.
Sentro ng naging programa ang pagkilala at paggawad sa mga unit at personahe ng kapulisan sa rehiyon at ilan pang indibidwal para sa mahusay na pagganap ng kanilang serbisyo at walang humpay na suporta sa pagkamit ng mga layunin at mandato ng PNP sa Central Visayas.

Samantala, sa mensahe ni Chief PNP na inihayag ni PLtGen Villacorte, kanyang pinasalamatan ang suporta na ipinapaabot ng mga pamilya ng kapulisan at ng mamamayan sa serbisyo.
Paghihikayat ng Heneral sa mga kapulisan, “As we move forward, let us focus on the positive aspects of our leadership particularly the concept of command responsibility. We as leaders and officers have the power to set positive examples and create a favorable impact on our subordinates and communities. Upholding the highest ethical standards in our actions is the key to this positive influence.”