Wednesday, November 27, 2024

Iguig Police Station, idineklarang Drug-Free Workplace

Cagayan – Kabilang na ang Iguig Police Station sa idineklarang Drug- Free Workplace sa ilalim ng Cagayan Police Provincial Office noong Enero 27, 2023 sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya na ginanap sa naturang himpilan.

Sentro ng seremonya ang unveiling of signage bilang tanda na ang istasyon ay isa nang ganap na Drug-Free Workplace.

Ayon kay Police Major Jozepf Agustin, Hepe ng naturang istasyon, dumaan ang kanilang hanay sa iba’t ibang screening katulad ng drug testing ng lahat ng tauhan nito at nagresulta ng negatibo ang lahat.

Samantala, nabanggit din ng Bise alkalde ng bayan ng Iguig, Cagayan na isang barangay na lamang ang kailangang madrug-cleared upang tuluyan na din maging Drug-Cleared Municipality ang munisipalidad.

Naging panauhin sa aktibidad sina Police Colonel Julio R Gorospe Jr., Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office; Ms. Maria Editha R Bunagan, Provincial Officer, PDEA Cagayan; at Vice-Mayor Juditas L Trinidad ng Iguig, Cagayan na nagbigay ng kani-kanilang mga makabuluhang mensahe sa paglaban at pagsugpo sa ilegal na droga.

Determinado ang buong hanay ng Pambansang Pulisya upang tuluyan ng masugpo ang suliranin sa ipinagbabawal na gamot katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan at ang taumbayan.

Source: Cagayan PPO

Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles