Nadiskubre ng pulisya katuwang ang miyembro ng militar ang mga magasin ng baril at Improvised Explosive Device (IED) sa Barangay Agosais, Lagonoy, Camarines Sur bandang 9:59 ng umaga, noong Marso 4, 2025.
Ang operasyon ay isinagawa ng Camarines Sur 2nd PMFC, 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army, COLT3, sa tulong ng Provincial Intelligence Unit ng Camarines Sur Police Provincial Office, at Lagonoy Municipal Police Station.
Ang operasyon ay bunga ng isang intelligence-driven sa nasabing lugar.

Narekober mula rito ang isang Improvised Explosive Device (IED) na gawa sa PVC pipe, at 52 piraso ng steel M16 magazine.
Ayon kay PCpt Jayson Canuto, 3rd Platoon Leader ng 2nd CSPMFC, narekober ang mga kagamitan dahil na rin sa pakikipagtulungan at koordinasyon ng mga surenderee o mga rebeldeng sumuko na sa gobyerno.
Ang mga nasabing kagamitan ay dinala sa 2nd Camarines Sur PMFC para sa tamang disposisyon at imbestigasyon.
Ang PNP Bicol ay patuloy na nagsusumikap upang mapigilan at mapuksa ang mga banta ng terorismo sa komunidad.
Panulat ni PCpl Rei Austine Manahan