Lanao del Norte – Iba’t ibang uri ng armas at pampasabog ang nakumpiska ng Lanao del Norte Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit sa National Highway ng Tagolo Border Checkpoint, sa Brgy. Tagolo, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte nito lamang Mayo 10, 2022.
Kinilala ni Police Major Alwin Baclao, Officer-in-Charge, Provincial Explosive Canine Unit 10, ang mga suspek na sakay ng Toyota Hilux na may plakang S4S061 na sina Esmail Maruhom Wali, 42; Adam Mambuay Tando, 58; Fausto Calimpas Guinita, 40, pawang mga residente ng Barangay Korea, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte at Tristan Bendecion Baguio, 34, LGU Employee ng Midsalip, Zamboanga del Sur; Resil Bacsan Revillas, residente ng Barangay Poblacion, Midsalip, Zamboanga del Sur.
Ayon kay PMaj Baclao, naaresto ang mga suspek matapos maharang sa National Highway ng Tagolo dahil sa isinagawang COMELEC Checkpoint ang kanilang sinasakyan na Toyota Hilux kulay White na may Plate No. S4S061 ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company; 2005th Mech Battalion; 1005 Regional Mobile Force Battalion 10; Provincial Drug Enforcement Unit 10; Provincial Intelligence Unit 10; Criminal Investigation and Detection Group 10 at Provincial Explosive Canine Unit 10.
Ayon pa kay PMaj Baclao, dahil walang maipakitang legal na dokumento kinumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng baril at pampasabog tulad ng isang pirasong CZ Scorpion SMG; 9mm SNF249581; dalawang CZ Magazines 35rounds; isang M4 Bushmaster; isang M14 Rifle Serial Number 144366; dalawang Magazine 23 rounds 7.62mm; isang Cal .45 Thomson SMG; dalawang Magazine; isang Elisco M16A1 Rifle Serial Number RP052219; isang Cal .50 Beretta; isang RPG Launcher; tatlong RPG heat Bullet; isang RPG Booster; isang Rifle Grenade; isang Cal .45 Remington Serial Number 563582; isang Cal .45 Colt Serial number M21813Z; isang piraso Cal. 45 Compact COLT MK SN735159; isang piraso. Cal.38 Smith at Wesson Revolver; 22 pcs. M16 Steel Short Magazine; anim na M16 Long Magazine; 270 rds. 5.56mm; 85 rds. 9mm; 45 rds. cal.45; 13 rds. 12 Gauge Shotgun; 12 rds. cal. 38; 5 cal. 45 Mags; dalawang 9mm Beretta Magazine; isang piraso. Cal. 50 Barret Mag; 49 rds. Cal. 50 Barret; isang piraso kutsilyo sa pangangaso; 38 pirasong Php1,000 bill; anim na pirasong 500 peso bill; dalawang pirasong Php200 bill; 13 pirasong PHp100 bill; dalawang pirasong Php50 bill at limang piraso Php20 bill.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan lalo na sa panahon ng halalan.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10