Cauayan City, Isabela – Arestado ang isang negosyanteng may iba’t ibang klase ng baril at bala sa Search Warrant operation ng PNP nitong Linggo, Abril 24, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, ang negosyante na si Pedro Daliwag, 47, residente ng Purok 6, Catleya Subdivision, Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.
Ayon ay PCol Go, naaresto ang suspek bandang 6:14 ng umaga sa nasabing barangay ng mga operatiba ng Cauayan City Police Station, CIDG Provincial Field Unit-Isabela, CIDG Regional Field Unit 2, PNP Special Action Force, Isabela Provincial Intelligence Unit, at Isabela Provincial Highway Patrol Team.
Ayon pa kay PCol Go, nakumpiska sa suspek ang isang caliber .45 pistol na may serial number na S10970355 at may magazine na naglalaman ng pitong bala; isang caliber .45 pistol color black; tatlong steel magazine para sa caliber .45 pistol; labing siyam na bala ng caliber .45 pistol; limang bala ng .38 caliber revolver; anim na bala ng 9mm pistol; apat na bala ng shotgun; tatlong long steel magazine para sa M16 Rifle; tatlong short steel magazine para sa M16 Rifle; dalawang holster ng caliber .45 pistol; isang tactical holster ng caliber .45 pistol; isang kulay green na plastic cartridge case ng caliber .45 pistol; isang camouflage bandolier; dalawang black bag; labing apat na bala ng caliber .22; at isang daan at apatnapu’t limang piraso ng bala para sa M16 Rifle.
Dagdag pa ni PCol Go, kusang isinuko din ng suspek ang isang Colt AR-15 M16 rifle na may serial number na 419980; dalawang long steel magazine na naglalaman ng limampung tatlong bala; isang carbine caliber .30 (M1) na may serial number 6794256; isang Ingram M2 caliber 9mm may serial number na Marieta GA 3006-USA; isang unit caliber .45 pistol; isang short steel magazine na naglalaman ng anim na bala para sa caliber .45 pistol; isang colt caliber .45 pistol na nagtataglay ng serial number na 9361852 (M1911); isang steel magazine ng caliber .45 pistol na naglalaman ng pitong bala; tatlong steel magazine para sa carbine M1 at naglalaman ng tatlumpu’t siyam na bala; isang teel magazine ng machine pistol at naglalaman ng labing anim na bala; dalawampu’t isang bala ng 12 gauge shotgun; dalawang pistol box; dalawang black tactical bag; at isang black bag ng machine pistol na nakatago sa kanyang Black Hyundai Starex Van.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Tiniyak naman ng Isabela PNP na mas lalo nilang papaigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang isang payapa at ligtas na pamayanan para sa mga Isabelino.
Source: Cauayan City Police Station
###