Davao Occidental – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Sitio Sta. Catalina Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Davao Occidental, noong Disyembre 19, 2022.
Kinilala ni Police Major Kirby Tan Bandilles, Chief of Police ng Sta. Maria Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ronald”, 53, residente ng nasabing lugar na tinaguriang High Value Target ng lugar.
Ayon kay PMaj Bandilles, naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang tauhan ng Sta. Maria MPS at Coast Guard Intelligence Unit ng Davao Occidental katuwang ang PDEA XI.
Dagdag pa ni PMaj Bandilles, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 1.5 gramo na may street market value na Php22,500 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon kontra sa ilegal na droga sa lungsod ay bunga ng pagsisikap ng Police Regional Office 11 na gawing drug-free ang rehiyon onse at sa malasakit na ipinapakita ng mga mamamayan sa kapulisan ay makakamit ang kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara