Timbog ng mga tauhan ng Carmen Municipal Police Station ang isang High Value Individual matapos makuhanan ng ilegal na droga sa mismong tahanan nito sa Barangay Poblacion, Carmen, Cotabato nito lamang ika-16 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rey B Salgado, Chief of Police ng Carmen Municipal Police Station, bandang 7:25 ng gabi nang sinalakay ang pamamahay ng suspek na si alyas “Mark” sa bisa ng search warrant.
Narekober sa loob ng pamamahay ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at drug paraphernalia.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Tiniyak naman ng Carmen PNP na patuloy ang mas pinag-igting na kampanya kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng pamayanan.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin