Baguio City – Timbog ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 14B, Irisan, Baguio City nito lamang ika-29 ng Oktubre 2023.
Naging matagumpay ang nasabing operasyon dahil sa pagsisikap ng pinagsanib pwersa ng Baguio City Police Station 6 at 9, Baguio City Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, at Regional Intelligence Unit 14.
Kinilala ni Police Colonel Francisco Bukyawan Jr., City Director ng Baguio City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Jumar”, HVI na naninirahan sa #018 Purok 23 San Carlos Heights, Irisan, Baguio City.
Nakuha mula sa suspek ang 10.7 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php72,760, isang plastic sachet ng dried marijuana leaves na may timbang na 3.2 gramo na nagkakahalaga ng Php384, buy-bust money, anim na piraso ng Php1,000 bill bilang boodle money, isang cellular phone, isang weighing scale, isang gunting, isang pouch, isang Mio sporty motorcycle at helmet.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng walang humpay na pagpapatupad ng batas ng Baguio City PNP upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan.