Sultan Kudarat – Tiklo ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang search warrant operation ng mga tauhan ng Isulan Municipal Police Station sa Purok Maligaya, Magbanua St., Brgy. Kalawag 1, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Huwebes, Enero 18, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Richelu Alucilja, Hepe ng Isulan MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Makoy”, 39-anyos, binata, at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PLtCol Alucilja, dahil sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng kanilang hanay ang tinutuluyan ni Makoy na nagresulta sa pagkakaaresto nito at pagkakumpiska ng tatlong sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 5 na gramo na may Standard Drug Price na Php25,000, at mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak naman ni PLtCol Alucilja na mas lalo pa nilang papaigtingin ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad tungo sa mas tahimik at maunlad na komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Reacel R Gultimo