Saturday, November 16, 2024

HVI suspek, tiklo sa buy-bust ng Cebu City PNP

Cebu City – Kulong ang 24-anyos na lalaking nakatala bilang High Value Individual sa buy-bust operation na inilunsad ng mga operatiba ng Police Station 2, Cebu City Police Office sa Sitio Lower Kawayan, Barangay Sambag 2, Cebu City noong Hunyo 20, 2023.

Kinilala ni Police Captain Mark Don Alfred P Leanza, Station Commander, ang naaresto na si alyas “Rey”, residente ng South Poblacion, Naga, Cebu.

Ayon kay Police Captain Leanza, ang suspek ay nadakip dakong ala-1:30 ng madaling araw noong Martes makaraang mapagbentahan ng droga sa nagpanggap na poseur buyer.

Kasabay ng pagkakadakip nito, narekober ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 50 gramo at may tinatayang halaga na Php340,000; isang ITEL Keypad CellPhone; at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Ang tagumpay na operasyon ay bunga ng walang humpay na pagbibigay katuparan ng kapulisan ng lungsod upang tuldukan ang problema sa ilegal na droga at hadlangan ang mga panganib na dulot nito sa komunidad.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles