Saturday, October 5, 2024

HVI mula Quezon City, arestado; Higit Php1.3-M halaga ng shabu, nakumpiska sa NegOr

Negros Oriental – Tinatayang nasa higit Php1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa High Value Individual na drug suspek ng Quezon City na naaresto sa inilunsad na buy-bust operation ng pulisya sa Purok Panaghiosa, Barangay Calindagan, Dumaguete City, Negros Oriental noong Martes, Marso 21, 2023.

Ayon kay Police Colonel Reynaldo Lizardo, Acting Provincial Director NOPPO, ang suspek na si “Jay”, 35, ng Batasan Hills, Quezon City ay nadakip dakong alas-3:00 ng hapon ng mga operatiba ng Dumaguete City Police Station, NOPPO; Regional Police Drug Enforcement Unit 7; Regional Intelligence Unit 7; Regional Intelligence Division 7; Philippine National Police Drug Enforcement Group/Special Operations Unit; at Dumaguete Maritime Police Station.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang nasa 195.50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa Php1,329,400; isang unit ng MyPhone Cellphone; isang sling bag; at buy-bust money.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng PRO 7 ang mga operatiba sa likod ng matagumpay na operasyon, maging ang lahat ng kapulisan ng Central Visayas para sa walang humpay at husay na pagganap ng tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng rehiyon.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,270SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles