Irisan, Baguio City – Arestado ang isang Barangay Kagawad sa kasong paglabag sa RA 9165 sa isinagawang joint operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA) at Baguio PNP nito lamang Setyembre 1, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Mafelino Bazar, Regional Director, Police Regional Office Cordillera, kinilala ang naarestong suspek na si Francis Carpio Dagson, 57, High Value Individual (HVI) Listed at aktibong Barangay Kagawad ng Irisan, Baguio City.
Dadag pa ni PBGen Bazar, nadakip ang suspek sa kanyang mismong tirahan sa bisa ng Search Warrant ng mga operatiba ng PDEA-Cordillera at Baguio City Police Office.
Narekober mula sa suspek ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 13 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php88,400 at isang digital weighing scale.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Hindi tumitigil ang kapulisan ng Cordillera upang mahuli at mapanagot ang mga lumalabag sa batas”, pahayag ni PBGen Bazar.
Source: Police Regional Office Cordillera-PIO