Occidental Mindoro – Timbog ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng kapulisan sa Brgy. Bagong Sikat, Lubang, Occidental Mindoro, noong Oktubre 16, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jun Dexter Danao, Provincial Director ng Occidental Mindoro PPO, ang suspek na may alyas na “Cow”, 57, at residente ng Lubang, Occidental Mindoro.
Ayon kay PCol Danao, bandang 8:15 ng umaga isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Occidental Mindoro Police Provincial Office katuwang ang Municipal Drug Enforcement Unit ng Lubang MPS at PDEA Occidental Mindoro.
Ang nasabing suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos makabili ng apat na plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga ang nagpanggap na poseur buyer kapalit ng Php3,000.
Narekober mula sa suspek ang pera na ginamit bilang buy-bust money at hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang .04 gramo.
Patuloy ang Occidental Mindoro PNP sa pagpuksa ng ilegal na droga sa lalawigan para sa kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus