Arestado ang isang High Value Individual sa ikinasang Search Warrant Operation ng mga tauhan ng Kidapawan City Police Station Drug Enforcement Unit sa Alim Street, Barangay Poblacion, Kidapawan City nito lamang Agosto 1, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Percival Agustus Placer, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Brodin”, 44 anyos, may asawa, at residente ng Alim Street, Barangay Poblacion, Kidapawan City.
Ayon kay PBGen Placer, nakuha mula sa suspek ang walong pirasong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 5.44 gramo na may estimated value na Php36,992.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Seksyon 11, Artikulo II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng malaking suporta sa kampanya kontra ilegal na droga na itinuturing na pangunahing hakbang sa pagtataguyod ng isang Bagong Pilipinas.