Misamis Oriental – Himas rehas ang isang 37 anyos na lalaki na isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Balingasag Municipal Police Station sa Purok 3, Brgy. Poblacion 6, Balingasang, Misamis Oriental nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Major Arnold Gaabucayan, Officer-In-Charge ng Balingasag Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Dewenie”, 37, at residente ng Barangay San Isidro, Balingasag, Misamis Oriental.
Nakuha mula sa operasyon ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na .0103 grams, na nagkakahalaga ng Php1,500.00, School ID, isang cellphone, at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Police Regional Office 10 sa paghuli ng mga taong may pananagutan sa batas at pagpapaigting kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris