Sunday, April 20, 2025

House Speaker Romualdez, pinuri ang PNP sa mabilis na pag-aresto sa mga suspek na sangkot sa kaso ni Anson Que

Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Linggo ang kanyang papuri sa Philippine National Police (PNP), sa pamumuno ni Police General Rommel Francisco D Marbil, para sa mabilis na pagkakaaresto sa mga suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at sa kanyang driver na si Armanie Pabillo. Ayon sa kanya, patunay ito ng determinasyon ng administrasyong Marcos na itaguyod ang hustisya at protektahan ang publiko mula sa organisadong krimen.

“Pinatutunayan ng kasong ito na kaya ng ating mga tagapagpatupad ng batas na lutasin ang mga mabibigat na krimen kung may sapat na suporta at koordinasyon,” ayon kay Romualdez.

Nagpasalamat din siya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na suporta nito sa PNP.

Ang mga suspek na sina Ricardo Austria David, Raymart Catequista, at David Tan Liao ay hawak na ngayon ng PNP Anti-Kidnapping Group. Si Liao, isang Chinese national, ay sumuko at umamin sa kanyang pagkakasangkot, habang ang dalawa ay naaresto sa Palawan nitong nakaraang Biyernes.

Nawala sina Que at Pabillo noong Marso 29 matapos umalis sa kanilang opisina sa Valenzuela City. Kinabukasan, nakatanggap ang pamilya ni Que ng ransom demand na $20 milyon sa pamamagitan ng WeChat. Natagpuan ang kanilang bangkay sa Rodriguez, Rizal, at kinumpirma ng forensic evidence ang kanilang pagkakakilanlan.

Ayon sa PNP, nagtulungan ang iba’t ibang yunit gaya ng Criminal Investigation and Detection Group at Anti-Cybercrime Group upang matukoy ang mga suspek gamit ang CCTV footage, cyber monitoring, at forensic evidence.

Iniimbestigahan na rin ngayon ang posibleng koneksyon ng krimen sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at iba pang motibo.

Iginiit ni Romualdez na ang matagumpay na operasyon ay patunay ng kahalagahan ng modernong teknolohiya at inter-agency coordination sa epektibong pagpapatupad ng batas. Tiniyak din niya ang suporta ng Kamara sa mga panukalang batas na magpapalakas sa kapasidad ng mga ahensya ng gobyerno para sa mas mabilis at makataong paghahatid ng hustisya.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,490SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles