Aurora – Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng programa ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa kanilang Home Education Literacy Program para sa mga katutubong Dumagat na residente ng Sitio Maiinit Brgy. Tinib, Casiguran, Aurora nito lamang Sabado, ika-20 ng Agosto 2023.
Ang naturang pagtuturo na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company.
Kaya naman patuloy ang awtoridad sa pagtuturo sa mga katutubong Dumagat upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa ng mga aralin.
Patuloy ang Aurora PNP sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan at pagbibigay ng malasakit sa kanilang nasasakupan.
Source: 2nd Aurora PMFC
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera