Las Piñas City – Nailigtas ng isang off-duty na pulis ang isang Indian National mula sa isang holdaper nito lang Miyerkules, Abril 20, 2022.
Kinilala ni District Director Police Brigadier General Jimili Macaraeg ng Southern Police District ang suspek na si Jeofer Suan y Yepes, 36, lalaki, at residente ng Caloocan City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang 12:15 ng tanghali ng naaresto ang suspek sa tabi ng Carnation gate, TS Cruz Subdivision, sa kahabaan ng Daang Hari Rd., Barangay Almanza Dos, Las Pinas City.
Ayon pa kay General Macaraeg, ang nangyaring holdapan ay nasaksihan ni PCpl Arnaiz C Orongan, PNP officer na nakatalaga sa Barbosa Station 14, Mendiola PCP ng Manila Police District na agad naman niyang nirespondehan kasama ang mga tauhan ng Daang Hari Sub-station, Las Piñas CPS.
Agad namang nahuli si Suan at narekober sa kanya ang isang kalibre 38 na revolver na may apat na live ammunition at cash money na nagkakahalaga ng Php3,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong Robbery at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kaugnayan sa Omnibus Election Code.
“I would like to commend PCpl Orongan for his immediate response that led to successful arrest of suspect, ito ang katangian na dapat taglayin ng ating mga pulis sa mga panahon na ito, dahil bilang isang pulis, tayo ay inaasahan na maglilingkod 24/7 sa ano mang oras at araw, basta tawag ng tungkulin tayo ay nakahandang magbigay ng serbisyong publiko,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos