Sunday, November 24, 2024

Holdaper patay sa engkwentro sa Kidapawan City, North Cotabato

Kidapawan City, North Cotabato – Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos ang madugong engkwentro laban sa Kidapawan PNP sa North Cotabato, nito lamang Abril 20, 2022.

Kinilala ni PLtCol Peter Pinalgan Jr, Acting Chief of Police ng Kidapawan City Police Station ang suspek na si Ricardo Bacus Redulla, 41, residente ng Taran Subdivision, Brgy. Poblacion, Kidapawan City.

Ayon kay PLtCol Pinalgan Jr., alas 9:45 ng umaga, matapos makatanggap ng tawag ang himpilan na may naganap na panghoholdap sa isang establisyamento sa bandang Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, Kidapawan City.

Ayon pa kay PLtCol Pinalgan Jr, ang suspek ay nakasuot ng itim na jacket, gray na t-shirt, brown na short pants at nakasakay sa isang scooter type na motorsiklo patakas sa direksyon patungong Brgy. Balindog.

Kaagad na rumesponde ang Kidapawan PNP at tinugis ang naturang suspek na kanilang naabutan sa Purok 5, Brgy. Balindog.

Imbes na isurender ang kanyang sarili, bigla na lamang itong humugot ng baril at nakipagputukan sa kapulisan na humantong sa isang madugong engkwentro.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na agaran namang dinala sa Kidapawan City Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Pinaalalahanan ni PLtCol Pinalgan Jr. ang mamamayan sa siyudad na mas maging mapagmatyag at magkaroon ng personal security conscious lalo na ngayon na naglipana ang mga masasamang loob at huwag mag-atubiling magsumbong sa kapulisan kung may mga kahina-hinalang mga tao at bagay.

#####

Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles