Kusang isinuko ng kapitan ang isang baril sa mga tauhan ng Sto. Niño Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Melody Grace A Ballesteros sa Sto Niño, Cagayan noong Hunyo 1 2024.
Nagsagawa ang Sto. Nino PNP ng barangay visitation at dialogue ukol sa kampanya laban sa Loose/unrenewed Firearm kaugnay ng OPLAN KATOK sa isang Barangay sa nasabing bayan na nagresulta sa boluntaryong pagsuko ng kapitan ng barangay ng isang unrenewed firearm na isang yunit ng Caliber .38 pistol na walang serial number at tatlong bala na pagmamay-ari ng kanyang contituents.
Ang boluntaryong pagsuko ng nasabing baril ay nagpapakita lang na napapalapit muli ang kapulisan sa bawat mamamayan at nanunumbalik ang tiwala ng mga ito sa organisasyon.

Sa ngayon, ang naturang baril ay nasa kustodiya ng Sto Niño PNP para sa dokumentasyon at pangangalaga nito.
Ang pagpapatupad sa mga programa ng PNP laban sa loose firearms na kilala rin bilang “Oplan Katok” at pagpapaigting ng kampanya sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ay naglalayong tiyakin na ang lahat ng mga baril na expired o hindi lisensyado ay maayos na sinusubaybayan at iniingatan upang hindi magamit sa mga anumang krimen o ilegal na aktibidad.
Source: Sto Niño PS CPPO