Tinatayang 2,015.25 gramo ng suspected shabu na may halagang Php13,703,00 ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation ng San Carlos City PNP sa Hda. Sta. Ana, Brgy. Palampas, San Carlos City, Negros Occidental, bandang alas-2:57 ng hapon noong ika-30 ng Agosto 2023.
Kinilala ni PLtCol Jesus Mesahon, Hepe ng San Carlos City Police Station, ang mga drug suspects na sina John Valentin Remegio y Derla, 34, residente ng Brgy. Caingin, Lapaz, Iloilo at si Crismark Blancaflor y Cantuba, 27, na residente naman ng Brgy. Poblacion, Bingawan, Iloilo.
Narekober sa pinangyarihan ng buy-bust ang tatlong pakete ng suspected shabu, dalawang (2) vacuum sealed tranparent plastic na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, 2 paper bag, 1 sling bag, 1 eco bag, 2 packaging tape, Php10,000 (buy-bust money), at ang isang unit ng chevrolet na ginamit ng mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang Negros Occidental PNP sa pamumuno ni Police Colonel Leo B Pamittan upang mahuli ang mga tulak ng droga at tuluyang masugpo ang ipinagbabawal na droga sa kanilang nasasakupan.